Skip to product information
1 of 1

Good Intentions Books

Sa Ika-ilang Sirkulo ng Impiyerno by Miguel Paolo Celestial

Sa Ika-ilang Sirkulo ng Impiyerno by Miguel Paolo Celestial

Regular price ₱500.00
Regular price Sale price ₱500.00
Sale Sold out

ABOUT THE BOOK

Sa isang tula, pahayag ni Miguel Paolo Celestial, "kusang nabuo ang dila ng apoy nang naibigkas ng araw ang sumasayaw na salita ng kanyang deliryo sa nakasabit na dahon." May ganito ring pakiramdam sa pagbasa ng buong aklat na Sa Ika-ilang Sirkulo ng Impiyerno, tila kusang nabuo ang dila ng persona at nabigkas nang matatas hindi lang ang kanyang deliryo kundi ang natatanging danas-dusa't sarap ng adiksiyon sa drogang higit na pinasasalimuot ng pag-ibig at pagnanasa, kabilang ang iba pang damdaming dinudukal mula sa isang nagdaang buhay at dinadalumat nang may pambihirang dulas, talas, at dunong ng isang indibidwal na "nakisama sa mga anino." Minsan, dumarating ang ganitong aklat na lumilikha ng lantay na lugod at ligalig upang ipaalala sa atin ang mga "lamat sa salamin" na kailangan nating tanggapin at ang kapangyarihan ng salitang muling makapagbuo. "Nagsusulat na ako ulit. Sa sarili nagmamalasakit."

– Mesándel Virtusio Arguelles

Details:

Paperback

ISBN 9786219678100

Published 2022

View full details